Friday, November 7, 2008

Aking Tula

Aninong Kaibigan

sa tabi ay tahimik na nakatingin
tahimik at payapang simoy ng hangin
nang biglang may nakita at napansin
aninong magbabago ng aking tingin

sa tabi ako ay biglang kinausap
unang isasagot ako ay naghanap
marami na ang nagdaang mga ulap
di napansin kami'y lagi nang nag-usap

sa wakas ay meron na ring kaibigan
kaibigang di pagpapalit kaninuman
hinding hindi ako magsasawang tingnan
mukha ng aking tunay na kaibigan

may oras ako'y nagbabakasakali
na tayo'y magkaroon pa ng sandali
na sa isipan ko ay aking maitatali
maitataling mabuting walang mali

0 comments: